Sa ating bansa, halos taon-taon ay nakakaranas tayo ng maraming bagyo na malubhang delikado para sa ating mga mamamayan. Wala pang pagkakataon na walang nasaktan o nagdusa dahil sa mga ito. Sa kamakailang bagyong Kristine, nagdulot ito ng mga abala sa mga nakaplano nating gawin. Dahil sa malalakas na hangin at matinding pag-ulan, nahirapan tayong makapag-aral sapagka’t sinuspinde ang mga klase at napilitan na lamang manatili sa ating mga tahanan.
Sa tindi ng epekto nito, naapektuhan ang milyon-milyong tao sa buong Pilipinas. Tumama ito mula Ika-dalawampu’t isa hanggang Ika-dalawampu’t lima ng Oktubre, at pangunahing sinalanta ang rehiyon ng Luzon, kabilang ang Ilocos at Cagayan Valley. Marami ang mga lugar sa bansa ang nakaranas ng brownout o pagkawala ng kuryente dahil sa mga nasirang imprastruktura, bilang isa sa mga epekto ng bagyo. Bukod dito, nagdulot din ito ng malaking pinsala sa ating ekonomiya, lalo na sa ating agrikultura, ito’y mga nasira at umabot ito sa halagang labing-isang bilyong piso na mga kagamitan. Salamat sa ating lokal na pamahalaan, mabilis ang pagbibigay ng tulong, gaya ng tirahan para sa mga nasalanta at tulong sa mga pamilyang napinsala.
Bilang pangwakas, hindi natin dapat maliitin ang pinsalang dulot ng mga bagyo. Alam nating hindi sila inaasahan, ngunit sa tulong ng tamang paghahanda at kamalayan, siguradong malalampasan natin ang mga ito. Ang kapangyarihan ng pagiging handa ay sapat upang makapagligtas ng buhay natin at ng iba. Dapat tayong manatiling alerto sa lahat ng oras upang masiguro ang ating kaligtasan.
.png)
No comments:
Post a Comment