Ipinaaalala sa atin ng kanta na sa simula ng ating buhay, inalagaan tayo ng ating mga magulang noong tayo'y mga sanggol pa. Inuna nila tayo kaysa sa kanilang sariling pangangailangan para lang mapalaki tayo. Sobrang saya nila na magkaroon ng anak, dahil ito ay isa sa pinakamakabuluhang karanasan sa buhay. Ngunit habang lumilipas ang panahon, tulad ng lahat, nagbabago tayo. Lumalaki tayo, lumalayo sa kanila at mas bumubuo ng malalapit na relasyon sa ibang tao, tulad ng mga kaibigan. Nagsisimula na nating balewalain ang kanilang mga payo dahil iniisip nating palagi na nasa tama tayo at hindi na nila dapat kontrolin ang buhay natin. Ngunit sa bandang huli, napagtatanto natin na sana'y nakinig tayo, dahil nakikita na natin ang resulta ng ating mga desisyon nang wala ang kanilang gabay. Napapansin nating nagkamali tayo nang lubos at sana’y mas naging maayos ang ating mga naging desisyon sa buhay. Ngunit sa kasamaang palad, huli na ang lahat, ito'y nangyari na at wala na tayong magagawa pa para baliktarin ito.
Sa pagtatapos, nararapat lamang nating pakinggan ang ating mga magulang. Bigyan natin ng halaga ang kanilang mga sinasabi dahil balang araw magiging mahalaga ito para sa ating buhay. Pasalamatan din natin ang lahat ng kanilang nagawa para mapalaki tayo—isinakripisyo nila ang kanilang buhay para sa atin. Lagi tayong maging mapagpasalamat na mayroon tayong magulang, dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong biyaya.
.png)
No comments:
Post a Comment